Lokal na kalalakihan, patuloy ang pakikibaka laban sa pang-aapi ng mga babaeng maiikli magdamit

Standard

“Ilang manipestasyon ng sikolohikal na kundisyon na ito ay ang di-mapigilang pagsipol, pagsabi ng “Hi, Miss”, pagkindat at—ang pinakamalala—matinding depresyon dulot ng hindi pagpansin at minsan pa ay mabilis na paglakad palayo ng mga babae sa kanilang lalakeng nabiktima.”

tangingnews

“Tama na, sobra na, saplutan na!” ang sigaw ng LIBOG (Liga ng mga Inaaping Boys at, Occasionally, mga Gangstas). Ito ay panawagan ng grupo ng lokal na kalalakihan laban sa “mga haliparot na babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi manukso at mang-akit ng mga kawawang tambay.”

Ayon sa pagsusuri ng LIBOG, hindi bababa sa dalawampung babaeng naka-shorts, naka-mini skirt, o naka-sando, ang araw-araw na nagdudulot ng matinding pagkabalisa sa mga lalaking nakasasaksi sa kanilang pananamit. Ayon kay Mang Kanor, 50, head researcher ng LIBOG, isang sikolohikal na kundisyon na di umano’y maihahalintulad sa PTSD (post-traumatic stress disorder) ang idinudulot ng ganitong klaseng mga babae sa nasabing kalalakihan.

Ilang manipestasyon ng sikolohikal na kundisyon na ito ay ang di-mapigilang pagsipol, pagsabi ng “Hi, Miss”, pagkindat at—ang pinakamalala—matinding depresyon dulot ng hindi pagpansin at minsan pa ay mabilis na paglakad palayo ng mga babae sa kanilang lalakeng nabiktima.

Si Alex*, isa…

View original post 106 more words

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s